Melodrama

  

           May dalawang babaing magkakaibigan na sina Roxan Puerto & Mary Jane Nocquira. Si Nocquira ay may nobyo at nabuntis ito sa nobyo at iniwan. Ipinanganak na ni Nocquira ang kanyang anak at tumawag siya sa kanyang kaibigan at nakipagkita. Nagkita sila sa isang restaurant at sinabi ni Nocquira na ihabilin niya ang kanyang anak kay Puerto kasi pupunta siya sa ibang bansa. Si Puerto ay asawa ni April John Cajetas at kilalang pamilya at isang mayamang angkan. Pumayag si Puerto na ihabilin sa kanya ang anak ni Nocquira at nagpromise siya na aalagaan niya ang bata. Lumipas ang labing limang taon at malaki na si Rona na anak ni Nocquira. Lumaki na kulang sa pagmamahal at pag-aalaga sa ina si Rona. Lumaki siya sa poder ng kanyang ina inahan na kaibigan ng kanyang totoong ina. Lumaki siya na walang araw na hindi umiiyak kasi laging sinasaktan ng kanyang ina inahan at mga kinakapatid. Ang kaibigan ni Nocquira may tatlong anak na sina Kimberly, Neri, Felix at ito si Neri at Felix ay laging atribida kay Rona. 

           Isang araw hindi napigilan ni Rona na magtanong sa daddy niya na anak po ba talaga siya nila kasi nararamdaman niya na hindi siya mahal. Doon niya nalaman na isa lang siyang batang iniwan sa kaibigan at galit na galit si Rona sa kanyang totoong ina. Isang gabi habang siya ay naliligpit ng pinagkainan ay tumutulo din ang kanyang luha at habang siya’y naupo sa harap ng mesa ay may sinulat siya. Sulat iyon ng kanyang pamamaalam. Lumayas sa kanyang tinitirhan at pumunta sa kanyang kaibigan na si Filomino Obido.

              Umagahan habang si Kimberly ay pumunta sa kusina para uminom ng tubig ay may nakita siya sa mesa at ang sulat iyon ni Rona peru wala silang ibang reaksiyon kundi mabuti na daw na lumayas si Rona. Ang kaibigan ni Rona na si Obido ay awing awa siya sa kaibigan kaya tumawag siya sa kaibigan niyang si Windelyn Atis at sinabi niya lahat kay Atis kung anong nangyari sa anak ni Nocquira. Si windelyn ay kaibigan din ni Nocquira kaya tinawagan ni Atis si Nocquira kung ano ang kalagayan sa kanyang anak ngayun.
                 
           Tapos na rin si Nocquira sa kanyang contract doon sa ibang bansa kaya umuwi siya sa pilipinas at dumiretso siya sa kanyang condo na dala dala niya ang mga bagahe niya at may nakasunod na bodyguard na si Alvin Cabungcag. Umaga ng pumunta si Nocquira sa bahay ng kanyang kaibigan na si Roxan Puerto peru nag-aaway lang sila. Pagkatapos pinuntahan niya ang kaibigan ni Rona na si Obido at doon niya nakita ang kanyang anak. Galit na galit si Rona sa kanyang ina at itinakwil niya ito at sinisi niya sa lahat ng nangyari sa kanya. Humingi ng tawad si Nocquira sa kanyang anak peru itinakwil pa rin ni Rona.
                  
              Biglang hinimatay ang ina ni Rona at kahit galit siya nito ay tinulungan niya ang kaibigan na si Obido para buhatin si Nocquira. Napatawad ni Rona ang kanyang ina. Umabot din ang panahon na ang pamilyang Cajetas ay naghirap at humingi ito ng kapatawaran kay Rona at ibinigay naman ito ni Rona ang kanyang kapatawaran na hinihingi ng pamilyang Cajetas.

Comments

Popular posts from this blog

Reflection (CNF)

Describe your self

Poem